Mga Kapuso, dalawang taon na nating ipinagdiriwang ang Kapaskuhan nang hindi magkakasama. Maraming family reunion, exchange gifts, at Christmas party ang hindi natin naisagawa. Kaya ngayong taon, kasama ang biggest and brightest Kapuso stars and personalities, muli nating gugunitain ang Pasko nang sama-sama. Sa pamamagitan nang pagpapakita natin ng pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa, ating punuin ng pag-ibig at liwanag ang buong mundo.Tandaan na ikaw at ako ang pinakamagandang regalong puwede nating matanggap ngayong Pasko dahil tayo ang buhay na patunay ng pagmamahal Niya sa atin. Merry Christmas sa ating lahat! #LoveisUsThisChristmas
in Videos